Monday, February 1, 2016

Paano Makatipid Habang Nasa Ibang Bansa


Marami sa ating mga pinoy ay napupunta sa ibang bansa sa hangarin na kumita ng malaki sa lalong medaling panahon. Ngunit hindi ko naman sinasabi na lahat ng nag-aabroad ay malalaki ang sinasahod marami rin kasi na nakikipagsapalaran lang o sumusugal na makakuha ng trabaho sa ibang bansa tulad dito sa Middle East at pag malapit ng ma-expire ang kanilang visa na dala ay papatol na sa mas mababang sahod para wag ng bumalik ng bansa o mabawi ang perang ipinuhunan makaalis lang ng bansa. So ginawa ko itong blogpost na ito para makakuha ng ideya ang iba kung paanu nga ba makapagtipid dito sa ibang bansa base sa aking karanasan.
  1.        Magbaon ng sariling pagkain. Malaki ang natitipid ko pag may dala akong lunch at merienda sa opisina dahil dito sa Doha ang halaga ng pinakamababang pagkain sa labas ay QR 18 na mayroong biryani rice at grilled chicken. Sa grocery na halagang QR150 ay mayroon na akong mahigit dalawang linggong pack lunch with snacks pa.
  2.        Iwasan ang pagbili ng mga bagay na hindi kailangan. Nung nakaraang buwan lang ipinakikita ng kasamahan ko sa trabaho ang bago niyang bili na relo na ang tatak ay Burberry (I am not familiar with the brand pero tantya ko na mahigit QR 2000 mahigit iyun. Ipinakikita nya sa akin ito at ipinagyayabang at ipinakita ko din ang aking relo na nabili ko pa sa Dubai nung ako ay doon pa nagtatrabaho at binigyan ako ng voucher ng kasamahan ko doon ng halagang 200 dirhams at ibinili ko ng Casio Edifice at hanggang ngayun buhay pa, ang sabi ko sa kanya ang galing naman katulad din ng oras sa relo ko. Ang lesson dito is kung kailangan mo bilhin mo if hindi ay di huwag, pero kung bibilhin mo sana siguraduhin mo na smart wise din ang quality at halaga.
  3.        Iwasan maging matakaw. Syempre lumalabas din naman kami ditto kasama pamilya ko. Ang misis ko ay madisiplina sa pagkain kasi ayaw nya tumaba o magkaroon ng kumplikadong sakit tulad ng diabetes. Napansin naming na hindi naming maubos ang per order sa labas tulad sa burger king o mga resto at kainan ditto. Ang ending hati lang kami sa lahat ng inoorder naming tuwing lalabas kami, ditto naman kasi sa ME lahat ng per servings nila masyadong marami pwera lang sa Jolibee ha the very reason na we seldom eat there.
  4.       Iwasan ang pag-aalaga ng pet. Siguro marami sa kabayan ko ditto sa ibang bansa ang malungkot kaya dahilan para mag-alaga ng hayop na pusa o aso. Tulad n gaming tenant aba hindi kumakain ng karaniwang dog food at kailangng ang tubig ay may halong honey pa, kaya naman ang grocery nila kailangng kasama sa budget ang alaga nilang aso. Para sa akin may iba pang dahilan para libangin ang sarili habang nasa ibang bansa katulad ng smartphone which you can do everything with it. No pet no extra money to pay for it and you can save that money you are supposed to spend on it.


Sa sunod na lang ang iba ko pang tips, the more kasi the more grammar and typo I get so see you soon. 

2 comments:

  1. Matakaw ako. huhu. Kaya di ako nakakaipon. hehe. May pet rin ako, name e Gerald. hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hinde ka naman tumnataba kahit matakaw. Tsaka pagkain hinde naman kailangan magtipid dun.

      Delete

Kabayan anong masasabi mo?