Wednesday, March 19, 2014

Paano tumanggi sa nangungutang?

Kahit anung gawin nating iwas meron at merong mangungutang sa atin. At madalas hindi natin sila matanggihan kahit na nga ba ikaw ay may pinaglalaanang iba sa iyung naitabing pera mula sa pagsusumikap at paghahanapbuhay, nakaka-konsensya na matanggihan ang iyung kaibigan o kamag-anak pagdating sa pagpapa-utang.

Mga kaibigan, barkada, girlfriend o boyfriend o kahit ang kapitbahay ay nangungutang sa atin at hindi mo pedeng maikaila na ikaw ay walang pera kung nakikita ka nilang may pambili ng kahit anu, araw-araw.

So paano nga ba sila maiiwasan na mangutang sa atin?

Narito ang aking ilang tips upang maiwasan ang mangungutang sa atin:


1. Magbigay ng interes at kasulatan – ipangalandakan mo sa mangungutang mo na kukuhanan mo ng interes ang kanyang uutangin at ito’y madadagdagan kung hindi sya tutupad sa usapan ng araw ng pagbabayad. Ipabatid din na ang kanyang lalagdaan na katunayan ng pag-utang ay maaring ihain sa husgado sa oras ng hindi pagkakasundo o pagsuway sa tamang pagbabayad ng utang. Maaring sumangguni sa isang eksperto o abogado ng kasulatan na ito.

Minsan ang ganitong set-up at turned off sa mangungutang, ayaw kasi nila ng problema balang araw o alam nilang hindi naman talaga sila makakabayad.

2. Magbigay ka na lang ng kaunting pera – Kung alam mong ang mangungutang sa iyo ay hindi naman magbabayad at hindi mo rin naman matanggihan bakit hindi mo nalang bigyan ng maliit na halaga kaysa sa halagang inuutang. 

Madalas kasi pag tinanggihan ang nangungutang ay nagagalit o nagtatanim ng sama ng loob sa paraang ganito maliit lang ang nawala sa iyo at panatag pa ang kalooban mo dahil hindi ka nakapaglabas ng malaking halaga at maayos pa ang samahan nyo.

3. Gumamit ng ibang tao – Humanap ng common friend o ibang tao na sa tingin mo mag-aalangan siyang utangan ito at sabihin mong ipapangutang mo na lang sya sa taong iyon, panigurado mahihiya sa iyo at sa tao na iyon na mangutang ang nangungutang, i-wished mo lang na gumana ang paraan na ito ha, kasi madalas makakapal ang muka ng mangungutang.

Babala: Wag maging garantor para sa nangungutang, pangungumbinsi lang ang gawin wag ipilit kung ayaw mag-pautang kung maaari i-sure na hindi makautang ang kaibigan mo.

4. Sabihin ang totoo – tumanggi ka at sabihin ang totoong pakay ng iyung pera ay nakalaan sa mga bagay na mahalaga sa buhay mo katulad ng budget sa grocery, tuition, bayad kurtente, tubig, cable at ibapa. Hindi naman siguro masama ang tumanggi ngunit masama naman kung ikaw ang mawawalan ng pera sa panahong kailangan mo ng bayaran ang mga obligasyon mo sa buhay at sa bahay.

Hindi rin masama mangutang basta ba alam mo na makakabayad ka pero mas mainam ng pinaghahandaan mo ang lahat ng mga bagay bagay sa paggastos kaysa hagilap ka ng hagilap ng mauutangan na ang matatagpuan mo pala sa bandang huli ay kaaway.

Sabi nga ng aking kaibigan na matalik, kung gusto daw naming mag-away, mangutang daw kami sa isat-isa, kaya kahit maliit na halaga pilit naming isinasauli sa isa’t isa wag lang mag-kaaway. 

No comments:

Post a Comment

Kabayan anong masasabi mo?