Friday, March 28, 2014

Mayaman at Mahirap na Mukha ng Aking Ina

Dalawang mukha ng ina
Si Jose na ating huling nabasa sa blog na Papiso piso at Kahirapan Pamana o Sumpa ay mayroon kakaibang karanasan. Siya ay may dalawang ina. Ang mahirap na ina at ang isa naman ay ang mayamang ina. Ang mahirap na ina ay ang kanyang tunay na ina na nagpalaki at nag-aruga. Isang payak na tao ang kanyang ina, bihasa sa gawaing bahay at uliran sa kanyang asawa at mga anak. Ang mayamn na ina ni Jose ay isang napakasipag na maglalako, simple lang kung manamit at namulat sa mundo ng pagnenegosyo . Ito ang ina ng kanyang may bahay.



Halintulad sa aklat na “Rich Dad Poor Dad” ni Robert Kiyosaki. Ang karanasan ni Jose ay may pagkakahalintulad sa mga nasaad sa aklat ni Ginoong Kiyosaki. Ang kwentong ito ay hango sa buhay ng isang bata na may dalawang inang naging inspirasyun sa buhay.

Ang mahirap na ina ni Jose ay namulat, na ang ina ay siyang ilaw ng tahanan. Tagapangalaga ng mga anak at tagapaglingkod sa kanyang asawa. Kulturang pinoy na isa sa hinahangaan ng mga dayuhan. Ang mga Pilipino ay kilala sa ugaling sobrang maasikaso at magaling tumanggap ng bisita. Ang kakulangan sa financial
education ang dahilan kung kayat nailarawan ni Jose ang unang ina bilang “isang mahirap na ina”. Mahina pagdating sa tamang paghawak ng pera ang kanyang mahirap na ina. Ito ay naniniwala na dapat ibigay ang mga bagay na hindi niya naranasan noong siya ay bata pa sa kanyang mga anak. Isang tunay na pangarap ng bawat magulang ang makitang masaya ang mga anak. Subalit ayon sa pahayag ni Mr. Wilson Lee Flores sa kanyang interview sa ANC on the Money. Sinabi ni Mr. Flores na nakakaalarma na masanay ang mga bata sa maranyang pamumuhay at nakakaalarma ang mga magulang na ayaw iparanas ang kahirapan na kanilang napagdaanan noong sila ay bata pa sa kanilang mga anak, sapagkat ayon kay Mr. Flores, karamihan sa mga mauunlad na tao sa Pilipinas at sa ibang panig ng mundo kagaya ni Henry Sy, John Gokongwei Jr. sila ay nakaranas ng kahirapan sa buhay (pinansyal at pamilya).

mahirap na ina ni Jose
Ikaw na isang magulang na nagbabasa ng blog na ito, paano mo inaalagaan ang iyong mga anak? Binibigay mo ba sa kanila ang mga bagay o karanasan na hindi mo naranasan noong ikaw ay bata?  Sa tingin mo makakatulong ba ito sa kanyang paglaki?

Ang mayaman na ina ni Jose ay hindi naman masasabi na mayaman sapat lang ang estado sa buhay, subalit ang kanyang mayaman na ina ay masipag at magaling na enterprenyur. Mahalaga ang bawat oras para sa kanyang mayaman na ina. Subalit hindi naman nito naibibigay ang atensyon na para sa kanyang mga anak dahil sa sobrang pagnenegosyo, sa kadahilanang  para dito mahalaga ang kinabukasan kaysa sa mga panandaliang kaginhawaan sa buhay. Ang mayaman na ina ni Jose ay larawan ng makabagong ina na katuwang ang asawang lalaki sa pagsinop ng kaginhawaan sa buhay. Subalit mahalaga din na balanse ang buhay pamilya lalo na ang relasyon sa mga anak.

mayamang ina ni Jose

Negosyante ba ang iyong ina? Meron ba siyang sapat na panahon sa iyong magkakapatid?

Ang dalawang ina ni Jose ay masasabi natin na hindi perpekto subalit kung pagsasamahin ang kanilang paniniwala at kakayahan magkakaroon tayo na isang “Ideal Mother” mapagmahal sa pamilya at isang enterprenyur.

Sa lahat ng magulang laging pakatandaan sa oras na tayo ay pumasok sa mundo ng pagpapamilya wala ng ibang dahilan kung bakit tayo nabubuhay kundi ang itaguyod at ihanda ang ating mga anak sa kanyang paglaki. Gabayan natin sila at turaun ng mga bagay na wasto at tama. Hanggang sa muli ito ang kuwento ni Jose.



Pinoy ugaliing mag-ipok. Panahon na para umasenso ang pinas,
sabay sabay nating sinupin ang Pisong Pinoy.


Author: CKsulat
All Right Reserved
Copy of 2014


2 comments:

  1. I seriouslʏ love your ѕite.. Vеry ոіce сolors & theme.
    Dіd you buіld this websіte yourself? Please reply back as I'm wanting to create my very owո blog and would like to learnn
    where үou ɡot this from or eҳactly what the
    theme is named. Thɑnks!

    Here is my web site - r4 i sdhc

    ReplyDelete
    Replies
    1. Its been a while since I open again this blog. I am also new in this field. Thank you for dropping by. I will check your site.

      Delete

Kabayan anong masasabi mo?