Philippines Economy |
Ating baliktanawin ang nakaraan. Ang mundo ay
napasailalim sa Ikalawang digmaang pandaigdig. Isa ang Pilipinas sa mga bansang
lubhang naapektuhan ng giyera, sa kamay ng mga Hapon. Bagsak ang ekonomiya ng
halos lahat ng bansang nasakop ng digmaan. Makalipas ang ilang taon matapos ang
digmaan, isa ang Pilipinas sa may pinakamagandang takbo ng ekonomiya pangalawa
sa Japan. Subalit nasaan ang Pilipinas ngayon?
Ito ang mga nasa isipan ni Jose. Paano nga ba, nag-ugat
ang kahirapan sa Pilipinas? Ito ba ay pamana ng ating mga ninuno o sadyang
sumpa na nangangakailangan ng mabisang panlaban.
Himayin natin ang tunay na kuwento. Ayon sa web site na
nationsencyclopedia.
“The Philippine economy has
experienced repeated boom-and-bust cycles in the 5 decades since the nation
achieved independence from the United States in 1946. In the 1950s and early
1960s its economy ranked as the second most progressive in Asia, next to that
of Japan.”
Di makapaniwala
si Jose sa kanyang nabasa na ang kanyang inang bayan ay pumapangalawa sa Japan
sa buong Asia.
Nasagot
na kaagad ang unang katanungan ni Jose. Ang kahirapan ng Pilipinas ay hindi
isang pamana. Mayaman at maunlad ang Pilipinas, lalo na sa likas na talino ng
bawat mamamayang Pilipino. Maging sa likas na yamang dagat at lupa ay tunay na
mayaman ang Pilipinas. Ayon
naman sa web site na Wikipedia.
“With a
promising economy in the 1950s and 1960s, the Philippines in the late 1960s
and early 1970s saw a rise of student activism and civil unrest against President Ferdinand Marcos who declared martial law in 1972. The peaceful and bloodless People Power Revolution of 1986, however, brought about the ousting of Marcos and
a return to democracy for the country. The period since then was marked by political instability and hampered economic productivity.”
Ang ikalawang katanungan ni Jose ay nasagot din. Hinde
isang sumpa ang kahirapan sa Pilipinas kundi kagagawan ng mga mamayan nito.
Hindi man naranasan ni Jose ang panahon ng katanyagan
ng Pilipinas noong ito ay pumapangalawa pa sa Japan, subalit naranasan ni Jose
ang matinding kahirapan sa buhay at nakita niya ang mga panahon na ang kanyang
bansang sinilangan ay nalunod sa kahirapan.
Galing sa blog na Papiso piso. Ang batang si Jose ay nangarap na umahon sa kahirapan. Bilang tagapamahala ng bangko, narito ang mga pag-aaral na nasaliksik ni Jose na siyang dahilan ng kahirapan sa Pilipinas.
1.Pulitika – mahirap man tanggapin na makalipas ang
pagdedeklara ng kalayaan sa Martial Law hanggang ngayon ang Pilipinas ay isa sa
may magulong pamamalakad sa larangan ng pulitika. Talamak na katiwalian sa
paggamit ng pondo, pansariling interest, pagkalulong sa kapangyarihan ito ang
mga dahilan ng paghihirap ng Pilipinas. Ang pinaka higit na kakulangan na nakita ni Jose sa mga namamalakad sa pamahalaan ay ang “Kakulangan ng Pagmamahal
nito sa bansang Pilipinas”
2.Kalikasan – Marami sa ating mga kabundukan ang kalbo
at nagkalat ang basura sa lansangan at karagatan. Kung titignan natin ang
Pilipinas, ito ay isang archipelago, nandyan ang likas na yamang lupa at yamang
tubig. Ang mga bansa sa Gulf mayaman sa langis. Makikita natin kung paano
ginamit ng mga arabo ang kanilang likas na kayaman. Gimamit nila ito upang ang
disyerto ay maging isang berdeng hardin at lugar ng mga naggagandahan at
naglalakihang mga gusali. Pangarap ni Jose na sanay magamit ng wasto ang likas
na yaman ng Pilipinas maging isang ganap ng tourist attraction ang kanyang
bansa.
It is more Fun in the Philippines |
3.Seguridad – Ang walang humpay na alitan sa pagitan ng
gobyerno at mga makakaliwang grupo at mga muslim rebel. Ito ang isa sa
nagpapahirap sa Pilipinas na siyang dahilan ng pagbaba ng pagbisita ng mga
turista at pagbagsak ng ekonomiya. Naranasan din ni Jose ang maging biktima ng
mga mandurukot at holdapan sa metro manila dahil sa kahirapan at kakulangan ng
seguridad sa lansangan.
Paris Hilton at Luneta Park |
4.Pinansyal na Karunungan – Tunay na maipagmamalaki ang
mga OFW at ang buong Pilipino sa larangan ng pagtatrabaho. Subalit iilan lamang
sa mga Pilipino ang mayroong bank account, investment, insurance at business.
Napaka halaga ng mga ito sa buhay ng tao. Sa blog na “If I have 10 pesos a day”natutunan ni Jose ang simpleng paraan ng pag-iimpok.
Philippine Stock Market |
Tungkulin ng bawat Pilipino na mahalin, alagaan at protektahan
ang bansang Pilipinas. Matuto din tayong bumangon at iahon ang ating sarili sa
kahirapan at huwag puro paninisi sa gobyerno.
Hanggang sa muli ito ang kuwento ni Jose.
Pinoy ugaliing mag-ipok. Panahon na para umasenso
ang pinas,
sabay sabay nating sinupin ang Pisong Pinoy.
_________________________________________________________________________________
Author: CKsulat
All Right Reserved
Copy of 2014
_____________________________________________________________
I lіke what you guуs tend to be up too. TҺiѕ kinɗ of
ReplyDeleteclever work and еxposսre! Keep uƿ the aweѕome works guys I've incorporated you guys to my own blogroll.
My blog post :: sac hermes homme