Marami sa atin ang naghahangad ng pagkita ng pera. At alam ko na isa ka doon sa nagsesearch sa Google kung may paraan nga ba paanu kumita ng pera gamit ang internet. Maraming naglipanang scam at fake na nangangako ng malaking kitaan sa internet kaya hanggat maaari ay magtodo ingat ka kaibigan. Subalit marami mang fake ay maroon namang nakapagpatotoo na sila ay kumita din naman gamit lamang ang internet.
Karaniwan ay hindi malakihan ang kitaan sa internet katulad ng mga Paid to click sites or writing sites. Minsan kailangan mo ring alamin kung matagal na ba sila sa industriyang ito o nagsisimula pa lang. Ang mga matatagal na ang sya mong pakatutukan dahil ang mga baguhan ay minsan sa simula lang nagbabayad ngunit paglipas lang ng ilang buwan o taon ay biglang nalugi na at hindi na nagbabayad.
Katulad halimbawa ng bubblews site na aking sinalihan noon, oo, kumita ako sa kanila ngunit kalaunan ay biglang hindi na sila nagbayad sa hindi malamang kadahilanan. Marami pang ibang sites na babayaran ka sa iyung pagsusulat ngunit sa ngayon ito pa nga lang ang nasubukan ko.
Ang aking misis naman ay isang blogger nagsusulat sya ng kung anu-anung maisipan nia at kalaunan ito ay isinali nya sa Google Adsense hindi ganuun kalaki ang kita nia dito pero ang kainaman noon kahit huminto sya sa pagsusulat kumikita pa rin sya sa Adsense nya. Sya din ay nakakatanggap ng mga opportunity galing sa direct advertiser kung saan babayaran sya sa post nya para sa mga produkto.
Ang aking payo ay gawin mo lang ito kung hindi ka masyadong busy sa buhay at maluwag ang iyong schedule. Dapat i-research mo din muna kung may na-iscam na ba ang sites na iyung sasalihan at kung tunay ba silang nagbabayad. Huwag kang sasali kung ikaw ay pinagbabayad o iniengganyo na mamuhunan. Magbasa basa at maging maalam sa iyung papasukin. Goodluck sa iyo kaibigan.

No comments:
Post a Comment
Kabayan anong masasabi mo?