Monday, March 17, 2014

PaPiso Piso

1 Peso Coins
May Piso ka ba sa bulsa mo? Pahingi naman.

Ito ang mga katagang palagi mong maririnig sa bibig ni Jose. Lumaki sa isang mahirap na pamilya sa  lungsod ng Maynila, si Jose ay isang batang mahilig maglaro ng Pisonet. Sa kanyang edad na labing –isang taong gulang naranasan niya ang pait ng kahirapan. 

Ang kanyang mga magulang ay isang kahig isang tuka. Masipag ang kanyang ama na namamasukan sa isang malaking pabrika na pag-aari ng isang negosyanteng intsik. Ang kanyang ina naman ang nag-aasikaso sa kanilang magkakapatid sa bahay at sa pagpasok sa eskwela.


Papiso piso ka nanaman Jose, nakakamagkano ka na ba ng naihuhulog sa Pisonet na iyan. Mauubos nanaman ang baon mo at pagagalitan ka ng iyong ina, wika ng isang tambay sa computer shop. Para piso lang naman eh, sagot ni Jose di ko naman mauubos itong baon ko may matitira pa. Sa kanyang musmos na kaisipan para kay Jose ang Piso ay isang napakaliit na halaga ng pera, madaling kitain, madaling humingi at madaling gastusin.


Oo nga naman ikaw ba nakakita ka na ng Piso sa kanal at iyong pinulot? Marahil ay nagdalawang isip ka muna bago mo pulutin dahil sa maduming estero mandidiri ka at baka magkasakit ka pa.
Pisong nahulog sa kanal
Gaano nga ba kahalaga ang Piso. Ano ba ang Piso? Ang Piso ay ang pera o salapi na ginagamit ng Pilipinas. Ayun kay Wikipedia.
Ang salapi o pera ay kahit anong pangkalakalang bagay o kaparaanan, na maaaring sa anyo ng papel (bill), barya o sinsilyo (coins, token), bono (bond), utang o kredito (credit) atbp. Ito ay nagpapanatili ng halaga ng bagay o serbisyong nauugnay o nailaan para rito. Ang halaga ng pera (sa kaniyang iba't ibang kaparaanan) ay tumataas (deflation) at bumamaba (inflation).
Ang mga perang tinatawag na commodity o pangkalakal o may pakinabang ay ang unang uri ng pera. Sa sistemang ito, ang mga bagay-bagay ay ipinagpapalit o ibinabarter: katulad ng asin bilang kapalit ng bigas, pilak bilang kapalit ng serbisyo, o maging prutas kapalit ng kung ano pang ibang bagay.”
Napakahalaga pala ng pera sa buhay ng tao ayun sa pagkakalarawan ni Wikipedia. Balikan natin si Jose. Madalas mangupit ng piso sa bulsa ng naiwang pantaloon ng tatay o nanay niya si Jose. Ang katwiran niya di naman mahahalata kasi piso lang, sabay takbo sa pisonet para maglaro.
Hoy! Bata ka. Saan ka nanaman nakakuha ng piso panlaro wika ng isang tambay sa computer shop. Dumukot ka nanaman sa bulsa ng nanay mo ano. Piso lang naman wika ni Jose di naman mahahalata ni nanay, parang buhangin kapag binawasan ko ng isang butil mahahalata mo ba? Di ba hindi. Ganun lang yun hehehe wika ni Jose.

Mataas at simple lang ang pangarap ni Jose. Nais niyang magkaroon ng sapat na kayamanan, sapat para magkaroon ng magandang buhay ang kanyang magiging pamilya.
Nang minsang magkasakit ang ina ni Jose, nakita niya ang kakambal ng kahirapan, ang kalungkutan at pighati. Ang kanyang ama, gustuhin man nitong tumigil sa pagtatrabaho upang alagaan ang asawa ay di nito makuhang gawin, sapagkat kailangan niyang kumayod upang may pampagamot ang asawa at pangkain ang kanyang mga anak. Nakita ni Jose ang lungkot sa mga mata ng kanyang mga magulang. Mga matang nangungusap na ang luha ay nangingilid.
Nakatitig si Jose sa magulang habang hawak ang isang piso. Kung marami lang akong piso makakabili sana ako ng gamot ni inay, ito ang naiisip ni Jose. Itay lalabas lang po ako saglit. Bumalik ka agad at ako’y papasok na, walang magbabantay sa nanay mo. Opo! Sambit ni Jose. Sa pisonet nagpunta si Jose. Nakita niya na kasalukuyang kinukuha ng may-ari ng shop ang kita sa pisonet. Magkano po lahat ang laman niyan? tanong ni Jose. Siguro humigit kumulang limang libo lahat iho, wika ng may-ari. Ang dami pala kapag napuno samantalang papiso-piso lang ang hulog. Naipon kasi dahil sa matagal bago nabuksan. May kislap sa mga mata ni Jose sa narinig. Magaling na bata si Jose sa klase at paborito niya ang math na subject.

Kinuha ang lapis at papel sinulat ni Jose kung magkano ang maiipon niya kung siya ay maglalagay ng piso sa alkansya sa loob ng isang taon. Tatlong daan animnaput lima (365 pesos). Kung mas lalakihan ko ang lagay maaring madoble pa.
"Naipon kasi at matagal na di nabuksan" mga katagang tumatak sa isipan ng batang musmos. 
Mabilis na lumipas ang panahon ang batang si Jose ay isa nang tagapamahala sa bangko. Teka, pano nangyari iyon eh gastador ang batang iyon ah. Sa kanyang pagtahak sa mahirap na buhay natutunan ni Jose na ang Piso ay isa sa napaka halagang sangkap para mabuo ang “1 million”. Ang dating batang mahirap ngayun ay isang mahusay na tagapamahala ng bangko at nagtuturo ng tamang pag-iimpok sa mga bata at sa mga magulang.
Narito ang isa sa mga pormula ni Jose.
Galing sa blog na “If I have a 10 pesos a day!” natutunan ni Jose ang tamang pag-iimpok sa napaka simpleng paraan.


Pinoy ugaliing mag-ipok. Panahon na para umasenso ang pinas,


sabay sabay nating sinupin ang Pisong Pinoy.



This article is dedicated to:
Our Almighty God, thank you for everything.
My very supportive wife thank you for teaching me how to blog and even help me to buy a domain. Iloveu always.
My son, you are amazing! You are brighter than me at your age. We love you always.
My Father and Mother and to all my brothers and sisters, you were the instrument of where I am right now. Keep safe
 



_____________________ 
Author: CKsulat
All Right Reserved
Copy of 2014
________________

No comments:

Post a Comment

Kabayan anong masasabi mo?