Friday, April 11, 2014

Wastong Paggamit ng Pera

Think for the Future
Marami sa mga Pilipino ang masasabi nating may kahinaan o walang sapat na kaalaman tungo sa wastong paghawak ng pera. Ang isang tipikal na tao ay magtatrabaho para kumita ng salapi at kapag meron ng salapi ang unang gagawin ay gagastusin ang kung anong  meron siya hanggang sa maubos . Nakakalimutan natin na mahalaga din na maglaan ng salapi para sa kinabukasan o sa mga biglaang pangangailangan.


Ibabahagi ni Jose ang ibat ibang paraan kung saan dapat ilagay ng wasto ang perang pinaghirapan. Maraming mga dapat paglagyan ang salapi at mahalaga na balanse at maayos ang iyong pamamaraan. 

Ikaw paano mo naisasaayos ang iyong mga salapi?

Narito ang mga ibat ibang pamamaraan.

1. Savings – Meron ka bang Savings Account sa bangko? Mahalaga na magtabi ng salapi sa bangko ng sa gayun ay may magagamit sa biglaang pangangailangan.

Banks
2. Stock Market Investing – Maari mo rin ilagay ang ilang bahagi ng iyong salapi sa stock market kung saan magiging bahagi ka ng mga malalaking korporasyun sa Pilipinas. Maari mong maging kapartner si Henry Sy o Manny Pangilinan. Subalit ang perang ilalaan dito ay ang perang hindi mo kailangan sa loob ng mahabang taon.


Philippine Stock Market
3. Bond – Kung ikaw ay takot sa stock market sa kadahilanang mabilis ang pagbago bago ng presyo ng mga stocks. Ang Bond ang isa sa mga konserbatibong paraan ng pag-iinvest.


Bond
4. Insurance – Mahalaga ang insurance lalo na sa mga taong tumatayo bilang taga suporta ng pamilya, upang sa gayon ay maprotektahan ang pamilya sa mga hindi inaasahang pangyayari.

5. Mutual Fund – Ito ay isang pamamaraan ng pag-iinvest kung saan ang iyong salapi ay ipinagkakatiwala mo sa isang expert sa kadahilanang wala kang sapat na panahon upang bantayan ang galaw ng stock market o bond.


Mutual Fund
6. Business – Ang isang simpleng libangan ay maari mong gawing negosyo at paunlarin. Ang kinakailangan lamang ay ang iyong sapat na kaalaman at tamang pagpapatakbo.


Business
Sa mga nabanggit na pamamaraan ni Jose, meron ka ba nito? Kung ang sagot mo ay wala panahon na upang baguhin mo ang iyong pamamaraan ng pagpapatakbo ng iyong buhay. Laging tandaan hindi masama ang pera, nagiging masama lamang ito kung gagamitin sa maling pamamaraan o kaya kukunin sa maling pamamaraan.



Hanggang sa muli ito ang kuwento ni Jose.


Pinoy ugaliing mag-ipok. Panahon na para umasenso ang pinas,
sabay sabay nating sinupin ang Pisong Pinoy.


---------------------------------------------------------------------------------------------------
Author: CKsulat
All Right Reserved
Copy of 2014
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Site for your Guide


No comments:

Post a Comment

Kabayan anong masasabi mo?