Marami sa ating mga pinoy ay napupunta sa ibang bansa sa
hangarin na kumita ng malaki sa lalong medaling panahon. Ngunit hindi ko naman
sinasabi na lahat ng nag-aabroad ay malalaki ang sinasahod marami rin kasi na
nakikipagsapalaran lang o sumusugal na makakuha ng trabaho sa ibang bansa tulad
dito sa Middle East at pag malapit ng ma-expire ang kanilang visa na dala ay
papatol na sa mas mababang sahod para wag ng bumalik ng bansa o mabawi ang
perang ipinuhunan makaalis lang ng bansa. So ginawa ko itong blogpost na ito para
makakuha ng ideya ang iba kung paanu nga ba makapagtipid dito sa ibang bansa
base sa aking karanasan.
- Magbaon ng sariling pagkain. Malaki ang natitipid ko pag may dala akong lunch at merienda sa opisina dahil dito sa Doha ang halaga ng pinakamababang pagkain sa labas ay QR 18 na mayroong biryani rice at grilled chicken. Sa grocery na halagang QR150 ay mayroon na akong mahigit dalawang linggong pack lunch with snacks pa.